Wednesday, February 12, 2020

Pag-ibig and nga ba?


                                                   Image result for Love

      






              Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay maaaring mararamdaman sa ating mga magulang, kapatid, kaibigan at mga taong nakapalibot sa atin. Ang pag-ibig ay maaaring may mabuting naidudulot sa atin pero minsan ito ay hindi nagdudulot ng mabuti. Ang pag-ibig o pagmamahal minsan ito ay nagbibigay ng kasiyahan at kalungkutan sa ating buhay. Dito sa mundong ating ginagalawan bawat taong nabubuhay ay may kanya-kanyang minamahal kahit na mapahayop man.

          Ang pag-ibig ng magulang sa kanyang mga anak. Ang mga magulang ay isa sa unang nagmahal sa atin. Dahil simulat pagkasilang natin dito sa mundong ito tayo na ay kanilang inalagaan. Lagi silang  nandiyan para sa atin kahit na sila ay napupuyat na sa gabi upang bantayan tayo. Kapag ang kanilang mga anak ay nagkaskit sila ay lubos na nagaalala ginagawa ang lahat para tayo ay gumaling at minsan pa ay ilang minuto lang na hindi tayo nakita sila na ay nag-aalala. Ganito magmahal ang ating mga magulang para sa kanilang mga anak kahit na sila ay nahihirapan na alagaan at mahalin tayo. Kahit na minsan ay hindi natin sila sinusunod at minsan ay hindi natin sila ginagalang at hindi natin sila binibigyan ng pansin.

              Ang pag-ibig ng kapatid minsan ang mga magkakapatid ay hindi nagkakaunawaan, hindi  nagkakasundo at nagtatampuhan minsan pero kahit gaano kalaki ang mga pinagtatalunan ay agad na mang nagkakasundo at nagbabati. Ang mga magkakapatid kapag may problema ang isa sila ay nagtutulungan para ito ay maayos. At kapag nahihirapan na ang nakakabatang kapatid sa mga gawain sa paaralan, proyekto, at mga takdang aralin ay agad na tinutulungan ng nakakatandang kapatid. Ganito nagmamahalan ang mga magkakapatid at nagtutulungan.

              Ang pag-ibig ng kaibigan ang kaibigan ay isa sa mga katuwang natin sa mga problema sila ay laging nandiyan para alalayan tayo sa mga problema na dumadating sa atin. Kahit ano pa man ang mangyari ay lagi silang nandyan para tayo ay alalayan at samahan. Kapag tayo ay humingi ng tulong sa kanila sila ay agad tutulungan tayo sapagkat ang tunay na kaibigan ay hindi nagiiwanan. Ganito nagtutulungan at nagmamahalan ang mga tunay na magkakaibigan .  

Thursday, November 14, 2019

              Hai!!! Welcome to my blog. Luige C. Castillo is my name.l am 18 years old, and the oldest child in the family. I'm from Sitio Caniogan, Tondol, Anda, Pangasinan. Now I am a grade 12 students in a track of General Academic Strand (GAS) at Tondol National High School. I love to play basketball with my friends in every afternoon and sometimes we love to play offline games and online games and watching movie marathon and cartoons. Also we love planting vegetables, trees and plants that have a flower. My favorite colors are green, blue,yellow. My favorite fruits are manggo, and apple. And my favorite foods are pancit, soapas and fried foods. This is information about my personality.

Tuesday, January 15, 2019

Bagong Kinabukasan

     Parang kailan lang ako pa ay karga-karga pa ng aking magulang isang batang paslit na walang kaalamalam sa nangyayari sa pag-ikot ng Mundo. Pero kay bilis ng mga pagdating ng araw ako ay malapit ng makatapos ng pag-aaral sa Sinior High School.Nang ako ay nagkaisip taking gulat ko na ang mundong aking ginagalawan ay marami ng mga hindi kanasanasang mga gawain na masasama . Tulad nalang ng mga nakawan, pagpapatayan at iba-iba pang mga kaganapang krimen na nangyayari. Hindi ko akalang Ang mundong ating ginagalawan ay makasalanan na.
        Pero bago mahuli ang lahat sana sa taong 2019 ay mabago na ang lahat ng mga ito. Ang gusto kong mangyari sa taong ito ay sana makatapos ako ng pag-aaral at matulungan ko ang aking mga magulang. Ang isa pangaking kahilingan ay sana maging mapayapa ng ang ating mundong ginagalawan at wala na sanang mga kaganapang mga krimen na mangyari. Upang lahat tayo ay maging maligaya at maging mapayapa.