Wednesday, February 12, 2020

Pag-ibig and nga ba?


                                                   Image result for Love

      






              Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay maaaring mararamdaman sa ating mga magulang, kapatid, kaibigan at mga taong nakapalibot sa atin. Ang pag-ibig ay maaaring may mabuting naidudulot sa atin pero minsan ito ay hindi nagdudulot ng mabuti. Ang pag-ibig o pagmamahal minsan ito ay nagbibigay ng kasiyahan at kalungkutan sa ating buhay. Dito sa mundong ating ginagalawan bawat taong nabubuhay ay may kanya-kanyang minamahal kahit na mapahayop man.

          Ang pag-ibig ng magulang sa kanyang mga anak. Ang mga magulang ay isa sa unang nagmahal sa atin. Dahil simulat pagkasilang natin dito sa mundong ito tayo na ay kanilang inalagaan. Lagi silang  nandiyan para sa atin kahit na sila ay napupuyat na sa gabi upang bantayan tayo. Kapag ang kanilang mga anak ay nagkaskit sila ay lubos na nagaalala ginagawa ang lahat para tayo ay gumaling at minsan pa ay ilang minuto lang na hindi tayo nakita sila na ay nag-aalala. Ganito magmahal ang ating mga magulang para sa kanilang mga anak kahit na sila ay nahihirapan na alagaan at mahalin tayo. Kahit na minsan ay hindi natin sila sinusunod at minsan ay hindi natin sila ginagalang at hindi natin sila binibigyan ng pansin.

              Ang pag-ibig ng kapatid minsan ang mga magkakapatid ay hindi nagkakaunawaan, hindi  nagkakasundo at nagtatampuhan minsan pero kahit gaano kalaki ang mga pinagtatalunan ay agad na mang nagkakasundo at nagbabati. Ang mga magkakapatid kapag may problema ang isa sila ay nagtutulungan para ito ay maayos. At kapag nahihirapan na ang nakakabatang kapatid sa mga gawain sa paaralan, proyekto, at mga takdang aralin ay agad na tinutulungan ng nakakatandang kapatid. Ganito nagmamahalan ang mga magkakapatid at nagtutulungan.

              Ang pag-ibig ng kaibigan ang kaibigan ay isa sa mga katuwang natin sa mga problema sila ay laging nandiyan para alalayan tayo sa mga problema na dumadating sa atin. Kahit ano pa man ang mangyari ay lagi silang nandyan para tayo ay alalayan at samahan. Kapag tayo ay humingi ng tulong sa kanila sila ay agad tutulungan tayo sapagkat ang tunay na kaibigan ay hindi nagiiwanan. Ganito nagtutulungan at nagmamahalan ang mga tunay na magkakaibigan .  

No comments:

Post a Comment